Olive Tejero
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 10, 2018
  • Time of Incident: 10:00 pm
  • City of Incident: Polomolok
  • Province of Incident: South Cotabato
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MANILA, Philippines — Bumulagta ang dalawang umano’y tulak ng droga matapos na manlaban sa mga awtoridad sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng pulisya sa Brgy. Pagalu­ngan, Polomolok, South Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Chief Insp. Alex Joe Orcajada ng Polomolok Police ang mga napatay na suspek na sina Abdul Magalino at Olive Tejero.

Sa ulat, ang dalawang suspek ay nakorner ng mga pulis dakong alas-10:00 ng gabi sa Purok Masikap, Barangay Pagalungan. Matapos nilang matunugan na pulis ang kanilang katransaksyon ay unang nagpaputok si Magalino sabay tangkang tumakas. Sumunod na nagpaputok si Tejero sanhi upang gumanti na ng putok ang mga pulis na ikinabulagta ng dalawang suspek. Isa pang kasamahan ng mga suspek ang nakatakas lulan ng motorsiklo.

Narekober sa lugar ang isang paltik na 38 revolver, dalawang basyo nito, apat na bala ng 5.56 mm, apat na basyo ng 9 mm na baril, dalawang pakete ng shabu at P500 marked money.