Norlito Apilado
  • Sex: Male
  • Age: 45
  • Occupation: tricycle driver
Incident Details
  • Date of Incident: January 10, 2018
  • City of Incident: San Fernando City
  • Province of Incident: La Union
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

LA UNION – Dead on the spot ang isang drug personality matapos itong barilin ng riding in tandem suspects sa loob ng Holy Garden sa Barangay Dalumpinas Oeste sa lungsod ng San Fernando, La Union dakong alas-11:00 kaninang tanghali.

Nakilala ang 45-anyos na biktima na si Norlito Apilado, isa ring tricycle driver, at residente ng Purok 6, Barangay Sevilla sa nasabing lungsod.

READ: Singer Aretha Franklin pumanaw na, 76
Sa panayam ng Bombo Radyo kay C/Ins. John Guiagui, hepe ng San Fernando City Police Office, sinabi nito na naghatid lamang ng pasahero ang biktima sa loob ng naturang sementeryo nang barilin ito ng mga salarin.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo.

Ayon kay Guiagui, si Apilado ay dati ng sumuko sa Oplan Tukhang ng pulisya noong July 2016 at kilala itong drug pusher sa kanilang lugar.

Ngunit base sa kanilang monitoring ang biktima ay nagpatuloy umano sa pagtangkilik sa bawal na gamot matapos pansamantalang inihinto ng pulisya ang pakikialam sa war on drugs.

Tiniyak naman ng opisyal sa pamilya ni Apilado na hahanapin nila ang responsable sa pamamaril.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang pasisiyasat ng pulisya sa nangyaring krimen.