Noel Silvestre
  • Sex: Male
  • Age: 49
Incident Details
  • Date of Incident: October 23, 2018
  • City of Incident: Santa Maria
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Dead on the spot ang isang drug suspek matapos makipagpalitan ng putok sa mga otoridad sa Barangay San Gabriel, sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ang nasawing suspek na si Noel Silvestre, 49 na taong gulang at residente lamang sa lugar.

Ayon sa mga elemenro ng Sta. Maria Municipal Police, nagkasa sila ng buy bust operation laban kay Silvestre kung saan nakabili ang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer ng isang sachet ng shabu.

Matapos ang transaksyon at nang tangkang aarestuhin na ng mga pulis si Silvestre ay agad nitong binunot ang isang baril mula sa kanyang baywang at pinaputukan ang mga otoridad.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.