Nestor Delos Santos
  • Sex: Male
  • Occupation: former barangay tanod
Incident Details
  • Killed in police operation at home
  • Date of Incident: August 1, 2018
  • Location of Incident: Meycauayan City, Bulacan
Source(s)

Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos manlaban sa mga pulis sa lungsod ng Meycauayan, Bulacan noong Miyerkoles.

Aarestuhin sana ng mga operatiba ng Meycauayan police ang suspek na si Nestor Delos Santos, dating barangay tanod, sa bahay nito sa Barangay Perez pero bumunot umano ng baril ang suspek at nakipagpalitan ng mga putok sa mga pulis.

“Huhulihin na lang namin. ‘Pag lapit pa lang, biglang bumunot ng baril,” ani Meycauayan police chief Superintendent Santos Mera.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 na baril, isang sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

Ayon sa barangay chairman na si Anthony Camacam, matagal nang sakit sa ulo ang suspek kaya rin ito natanggal sa pagiging tanod.

“Marami siyang kasong ginawa. Hindi lang sa droga. Tungkol doon sa, may namaril pa ‘yan,” ani Camacam.

Sa follow-up operation, naaresto naman ang dalawa umanong kasosyo ni Delos Santos pero itinanggi nilang nagtutulak sila ng droga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang nahuling kasosyo ni Delos Santos.

Walong drug personalities ang napatay sa mga anti-drug operation sa Bulacan mula noong Miyerkoles habang nasa 68 naman ang naaresto.– Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News