Nathaniel Ruben Taylan III
  • Sex: Male
  • Occupation: former councilor
Incident Details
  • Date of Incident: January 17, 2018
  • City of Incident: Laoag City
  • Province of Incident: Ilocos Norte
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Patay sa pamamaril ang isang dating konsehal ng Dingras, Ilocos Norte at ang kaniyang kaibigan matapos silang pagbabarilin sa Laoag City.

Sa GMA News “Unang Balita” nitong Huwebes, kinilala ang mga biktima na sina Nathaniel Ruben Taylan II, dating konsehal, at Joefrey Blanes, na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Sakay ng tricycle ang mga biktima noon at pababa na nang may dumating na apat na salaring sakay ng dalawang motorsiklo at pinagbabaril sila, batay sa paunang imbestigasyon ng mga pulis.

Agad namang tumakas ang mga suspek na ngayon ay pinaghahanap na at iniimbestigahan din ng mga awtoridad ang motibo sa krimen. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News