Mohamad Ibra
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: September 3, 2018
  • City of Incident: Angeles City
  • Province of Incident: Pampanga
  • Killed in police operation
Source(s)

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga, Philippines — Isang hinihinalang tulak ng illegal na droga ang napatay matapos umanong makipagpalitan ng putok sa mga operatiba ng Angeles City Police na nagsagawa ng isang anti-drug operation sa Hadrian Ext, Brgy. Balibago, Angeles City Lunes ng gabi.
Sa ulat sa tanggapan ni City Police Director Enrico Vargas, kinilala ang napatay na suspek na si Mohamad Ibra alyas Orack, ng nasabing brgy. habang kinilala ang mga nadakip na sina Mary Jane Banagao, 27, dalaga; Abdul Pahman, 24, Jennilyn Samia y Capulong, 25, ng Sitio. Sto Niño.