Michael Samson
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: September 29, 2018
  • City of Incident: San Pedro City
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed in police operation
Source(s)

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang dalawang drug suspek matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang drug buy bust operation ng mga pulis sa Barangay San Antonio, San Pedro, Laguna.
Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Michael Samson at kasabwat nitong nakilala lamang sa alyas na Batman.
Ayon kay Police Superintendent Vanni Martinez, officer-in-charge ng San Pedro City Police Station, gabi ng Sabado nang ikasa ng kanilang hanay ang operasyon laban kay Samson.
Sa kalagitnaan ng transaksyon ay napansin ng suspek na pulis pala ang kausap. Dahilan umano ito upang agad na bumunot ng baril si Samson at nagpaputok sa mga otoridad.
Gumanti ng putok ang mga pulis at kasabay nito ay bumunot na rin ng baril si alyas Batman at sumali sa engkwentro.
Matapos ang putukan ay nakita ng mga pulis ang sugatang mga katawan ng mga suspek at agad na tumawag ng ambulansya upang dalhin ang mga ito sa ospital. Ngunit hindi na sila umabot ng buhay sa pagamutan at idineklarang dead on arrival ng mga doktor.
Narekober mula sa dalawang suspek ang isang kalibre 38 baril, isang kalibre 45 baril, isang sachet ng shabu, at buy bust money.