Michael Carlo Aguilar
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: October 12, 2018
  • Time of Incident: 6:00 pm
  • City of Incident: Meycauayan City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Isang lalaking armado ng baril at nakasuot ng PNP bullet vest ang napatay nang manlaban ito sa mga awtoridad ilang minuto matapos na manggulo, magpaputok ng baril at magtangkang mang-hostage sa Barangay Bahay-Pare, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Base sa report ni P/Supt. Santos Mera, Meycauayan City police chief, nakilala ang napatay na si Michael Carlo Aguilar y Aguas, 53-anyos, residente ng Block 4, Lot 13, Dolmar Golden Hills, Barangay Loma de Gato, Marilao na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang katawan.

RELATED POSTS
Policewoman ginahasa ng training instructor

Nov 15, 2018
9-anyos nangupit ng 50, pinatay sa palo ni inay

Nov 13, 2018
Hubad na larawan ng kaibigan ikinalat sa FB

Nov 11, 2018
Bandang alas-sais ng gabi nang makatanggap ng impormasyon ang tanggapan ni P/Supt. Mera hinggil sa isang armadong la­laking nakasuot ng bullet vest na may tatak na PNP na nanggugulo at nagpapa­putok ng baril sa Barangay Bahay-Pare, Meycauayan City kaya kaagad nagresponde ang awtoridad.