Michael Betcher
  • Sex: Male
  • Age: 45
  • Occupation: police asset
Incident Details
  • Date of Incident: October 27, 2018
  • City of Incident: Makati City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Isang drug suspect at isang police asset ang patay sa isinagawang buy-bust operation sa Cembo, Makati City.

Ayon kay Chief Inspector Gideon Ines ng Makati City police, nakabili umano ang asset ng P500 halaga ng hinihinalang shabu sa target ng operasyon na si Kevin Ersando, alyas “Scarface.”

Sa gitna ng transaksiyon, nakatunog umano ang suspek na asset ang kausap niya kaya binaril ito. Dito na gumanti ng putok ang mga pulis, na ikinamatay naman ng suspek.

Nakuha kay Ersando ang 15 pakete ng hinihinalang shabu, kalibre .38 na baril, at granada. Notoryus rin umano na holdaper at drug runner si Ersando sa lugar.

Samantala, balik-kulungan naman ang mag-asawa sa barangay Holy Spirit, Quezon City matapos matimbog sa isang buy-bust operation.

Ikinasa ang operasyon nang makatanggap ang mga pulis ng reklamo sa mga kapitbahay na marami umanong labas-masok na tao sa bahay ng mag-asawa, kung saan pinaghihinalaang ginagawa ang mga transaksiyon.

Depensa ng misis, hindi umano sapat ang kita ng kaniyang asawa bilang construction worker kaya sila nagbebenta ng droga.

Mahaharap sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga ang mag-asawa, na walang piyansa.

— Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News