Melvin Santos
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: August 4, 2018
  • City of Incident: Talavera
  • Province of Incident: Nueva Ecija
  • Killed in police operation in public
Source(s)

NUEVA ECIJA , Philippines — Dalawang lalaki na mga ‘tulak’ umano ng illegal na droga ang nasawi makaraang manlaban sa pulisya sa isinagawang magkahiwalay na drug buy-bust operation sa bayan ng Aliaga at lungsod ng Cabanatuan, habang tatlong iba pa ang naaresto sa bayan ng Rizal, noong Sabado ng gabi.

Sa ulat na natanggap ni P/Sr. Supt. Eliseo T. Tanding, Nueva Ecija Police Provincial director, sabay-sabay na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis, katuwang Ang PDEA sa mga bayan ng Aliaga, Rizal at lungsod ng Cabanatuan noong Sabado ng gabi na ikinasawi ng mga suspek na sina Melvin Santos, ng Brgy. La Torre, Tala­vera, Nueva Ecija at Kenneth Corpuz, ng Brgy. Dicarma, Cabanatuan City habang nadakip sa operasyon na sina Erwin Revamuntan, 51; Casiano Agustin III, 34 at Maximo Mallari, 51.

Bandang alas-8:40 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation ng Aliaga Police sa pangunguna ng hepe nito na si P/Chief Insp. Domingo Resma Jr. laban kay Santos na nakatunog sanhi ng barilan na kanyang ikinasawi. Alas-11:55 ng gabi naman nang kumasa si Corpuz sa buy-bust operation ng Cabanatuan Police sa pangunguna ni Supt. Ponciano Zafra sa Donya Encarnacion St., Brgy. Zulueta na ikinabulagta ng una.