Melvin Corilan
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: October 11, 2018
  • Time of Incident: 1:50 am
  • City of Incident: Baliuag
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation
Source(s)

Tatlong tulak ng droga ang napatay makaraang pawang manlaban sa ikinasang anti-illegal drug operations ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Meycauayan City at Baliwag, kapwa sa Bulacan kamakalawa ng hapon at kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Senior Supt. Chito G. Bersaluna, Bulacan police director, ang mga napatay na suspek na sina Nestor Santos alyas ‘Anya’, binata, ng Brgy. Bagong Nayon, Baliwag at kasama nitong si Melvin Corilan alyas ‘Java’, ng Brgy. San Pablo, Can¬daba, Pampanga, at Joseph Bueno, 42-anyos, binata, laborer, ng Brgy. Pajo, Meycauayan City.
Sina Santos at Co¬rilan ay kapwa napatay sa bayan ng Baliwag habang si Bueno ay naitumba sa Meycauayan City at pawang nagtamo ng tama ng bala sa kanilang mga katawan matapos manlaban sa awtoridad na nagsagawa ng buy-bust ope¬ration sa nasabing mga lugar.
Bandang ala-1:50 kahapon ng madaling-araw nang magkasa ng buy-bust operation ang Baliwag police sa Brgy. Bagong Nayon, Baliwag matapos makakuha ng impormasyon hinggil sa pagtutulak ng ¬dalawa ng shabu sa kanilang lugar.
Matapos ang tran¬saksyon ay nagsindi ng sigarilyo ang poseur buyer para bigyan ng hudyat ang mga nakakubling pulis na ¬arestuhin na ang da¬lawa ngunit nakahalata ang dalawang tulak na mas piniling hindi sumuko kaya bumunot ang mga ito ng baril at nagpapu¬tok hanggang sa kapwa bumulagta sa maikling engkuwentro.
Samantala, pasado ala-una kamakalawa ng hapon nang ipasailalim din sa buy-bust operation ang tulak na si Bueno sa Brgy. Pajo, Meycauayan City kung saan napatay ito matapos manlaban sa pulis na nagpanggap na bu¬yer.