Melchor Lapiad
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: June 27, 2018
  • Time of Incident: 8:05 pm
  • City of Incident: Isulan
  • Province of Incident: Sultan Kudarat
  • Killed in police operation in public
Source(s)

KORONADAL CITY – Patay ang itinuturing na bigtime drug user at umano’y notoryus na pusher sa isinagawang anti-drug operation sa bahagi ng Prk. Usman, Brgy. Kalawag 3, Isulan, Sultan Kudarat.

Kinilala ang suspek na si Melchor Lapiad na residente ng nasabing lugar.

Sa ulat ni Bombo correspondent Larry Geronio, isinagawa ang operasyon ng mga otoridad bandang alas-8:05 kagabi kung saan naka-transaksyon nito ang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer.

READ: Duterte, binisita mga biktima ng Naga, Cebu landslide; tiniyak ang tulong sa mga namatayan
Sinugod nang Isulan PNP ang bahay ni Lapiad makaraan ang transaksyon ngunit lumaban umano ito, dahilan kaya gumanti ng putok ang mga otoridad.

Nagtamo ng mga tama ng bala si Lapiad sa kanyang dibdib, paa, balikat at tiyan na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

READ: Resulta ng SWS survey na marami pa rin sa mga Pinoy pabor sa war on drugs campaign ikinatuwa ng PNP
Nakuha mula sa kanya ang tatlong malalaking sachet ng droga, homemade caliber .45 na armas at mga bala.

Napag-alaman na sa Isulan at karatig na mga bayan sa Sultan Kudarat ang area of operation nito at kumukuha ng suplay ng droga sa Cotabato.