Marlo Angelo Morales
  • Sex: Male
  • Age: 32
Incident Details
  • Date of Incident: September 11, 2018
  • Time of Incident: 1:15 am
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

LUCENA CITY , Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang dating preso na nakulong dahil sa ilegal na droga habang nakaupo sa gilid ng pathway na sakop ng Purok Bangkusay, Barangay Dalahican, kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Romulo Albacea, chief of police dito ang biktima na si Marlo Angelo Morales alyas Panyol, 32, binata ng Brgy. Kanlurang Mayao at may dalawang taon nang nakalalaya dahil sa paglabag sa RA 9165.
Sa ulat, ala-1:15 ng madaling araw habang nagpapahangin ang biktima sa gilid ng kalye nang dumating ang hindi kilalang lalaki at agad siyang pinagbabaril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan. Mabilis na tumakas ang suspek habang narekober ng SOCO sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng kalibre 45.