Mark Oliver Albuera
  • Sex: Male
  • Occupation: member of a drug group
Incident Details
  • Date of Incident: September 14, 2018
  • City of Incident: Pagbilao
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed in police operation
Source(s)

PAGBILAO, Quezon , Philippines — Patay ang isang suspected drug pusher makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad habang isinasagawa ang buy-bust operation samantalang nakatakas ang kasama nito kamakalawa sa Brentwood subdivision barangay Mayhay ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Mark Oliver Albuera ng Mabini, Batangas at hinihinalang kasama sa grupo ng malaking sindikato ng droga na ang pito sa kanilang miyembro ay nasakote ng pulisya rito noong Setyembre 11, 2018 sa loob ng Palay isdaan Hotel sa Brgy. Alupaye.
Ayon kay P/Chief Insp. Francis Panisan, chief of police dito, dakong alas-6:45 ng gabi nang isagawa nila ang buy-bust operation laban sa suspek na nabilihan ng .75 gramo ng shabu subalit nang aarestuhin na ang huli ay bumunot siya ng kalibre 38 at nagpaputok. Nang gumanti ng putok ang mga pulis ay doon napuruhan ang suspek.
Mabilis namang nakapuga ang kasama ni Albuera sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Lungsod ng Lucena.
Sa pagsisiyasat ng SOCO, nakarekober pa sila ng karagdagang limang gramo ng shabu sa bulsa ng pantalon ng suspek at ang P500 marked money na ginamit sa operasyon.