Mark Marcus Eusebio
  • Sex: Male
  • Age: 33
Incident Details
  • City of Incident: Antipolo City
  • Province of Incident: Rizal
  • Killed in police operation
Source(s)

Napatay ng mga tauhan ng Marikina City Police, ang isang lala­king umano’y holdaper at drug pusher, nang manlaban habang inaaresto ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa Brgy. Cupang,  Antipolo City, Rizal kamakalawa.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director P/BGen Nolasco Bathan, ang napatay na suspek na si Mark Marcus Eusebio, 33, residente ng Sitio Tamengo, Brgy. Cupang, Antipolo City.

Si Eusebio, ay mi­yembro umano ng notoryosong grupo na sinasabing sangkot sa serye ng mga holdapan at pinaka-aktibo sa pagpapakalat ng ilegal na droga sa lungsod ng Marikina at mga kalapit na lugar at pinamumunuan ng isang Art Cris Viloria  na target ng “Coplan Kuwato”’ ng Marikina City Police.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang engkwentro sa Sitio Tumana, Brgy. Cupang, Antipolo City. Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga tauhan ng Marikina City Police na ang grupo ni Viloria ay nagtatago sa isang tahanan sa Sitio Tumana, kaya’t kaagad na nagtungo sa lugar upang magsagawa ng surveillance.

Nang makumpirmang nasa loob si Viloria at kanyang grupo ay agad na sumalakay ang mga awtoridad ngunit bago pa man sila nakalapit ay nakatunog ang mga suspek at sinalubong sila ng mga putok ng baril habang tinatangkang magsitakas.

Dito na napilitang gumanti ng putok ang mga pulis habang hinahabol ang mga suspek na nagresulta upang mapatay si Eusebio.

Samantala, nakatakas naman si Viloria, na may nakabinbing talong warrant of arrest sa mga kasong robbery at usurpation of authority sa piskalya, at iba pa niyang kasamahan, na tinutugis na ngayon ng mga awtoridad.