Margarito Pizana Revilla Jr.
  • Sex: Male
  • Occupation: criminal gang member
Incident Details
  • Date of Incident: October 9, 2018
  • Time of Incident: 8:15 am
  • City of Incident: Rodriguez
  • Province of Incident: Rizal
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Mar Gabriel
Eagle News Service

(Eagle News) — Dead on the spot ang anim na drug suspek matapos na manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation ng Rodriguez Municipal Police Station sa Double L, Bautista Creek Side Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Rizal Provincial Director, Psensupt.Lou Evangelista, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka transakyon kaya agad na pinaputukan ang mga pulis.

Agad naman gumanti ng putok ang mga operatiba kung saan napatay ang mga suspek na nakilalang sina alias Henry, Margarito Pizaña Revilla Jr., aliases Jun Payat, Atan at Hoga.

Ang mga suspek ay pinaniniwalaang miyembro ng Waray-Waray Drug Syndicate at gun for hire group na nag-ooperate sa lalawigan ng Rizal.

Nabawi sa mga suspek ang nasa limampung gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng isangdaang libong piso.

Nabawi rin sa mga suspek ang anim na iba’t ibang kalibre ng baril at isang granada.

Narecover din ang isang floor plan ng isang establihsimyento na posible raw ba pinagpaplanuhan na pasukin ng grupo.