Manolito Calob
  • Sex: Male
Incident Details
  • City of Incident: Gapan
  • Province of Incident: Nueva Ecija
  • Killed in police operation
Source(s)

Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga makaraang manlaban umano sa pulisya sa isi­nagawang buy-bust operation. Kinilala ni P/Lt. Col. Criselda De Guzman, hepe ng pulisya, ang nasawing suspek na si Manolito Calob.

Bandang alas-3 ng madaling-araw nang isagawa ang buy-bust operation ng mga elemento ng anti-illegal drug unit ng Gapan City Police sa pamumuno ni P/Major Joel Dela Cruz, sa pakikipagkoordinasyon sa PDEA-Region 3.

Nang magkaabutan na umano ng pera at droga, bigla na lang umanong bumunot ng baril ang suspek at ipinutok sa tropa ng pulisya. Masuwerte umano at walang tinamaang pulis na gumanti ng putok at nasapol ng bala si Calob na agad na nasawi. Isang plastic sachet ng umano’y shabu ang nakuha sa suspek, baril nito na caliber .38 revolver at P500 buy-bust money.