Leonardo Moya
  • Sex: Male
  • Age: 53
Incident Details
  • Date of Incident: March 8, 2018
  • City of Incident: Bocaue
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed by unknown assailants at home
Source(s)

DAGUPAN CITY – Patay ang isang lalaking sangkot sa illegal na droga at kabilang din sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) watchlist ng kanilang lugar matapos pagbabarilin ng ilang armadong kalalakihan sa loob mismo ng kanyang bahay sa Bocaue, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Leonardo Moya alyas “Totong,” “Ong,” “Bungo” at “Elorde,” 53-anyos na residente ng Saint Martha Homes, Brgy. Batia sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan mahimbing na natutulog ang biktima sa loob ng kanyang bahay nang biglang dumating ang ilang kalalakihan na pumasok sa kaniyang kwarto at agad na pinaulanan ng bala ang biktima na nagresulta ng kanyang kamatayan.

Kaagad ding tumakas ang mga salarin.

Napag-alaman na nakatala ang biktima sa kanilang BADAC watchlist at patuloy pa ring nagbebenta ng shabu sa kanilang lugar.