Larry Jagonos
  • Sex: Male
  • Age: 38
Incident Details
  • Date of Incident: September 22, 2018
  • City of Incident: Davao City
  • Province of Incident: Davao del Sur
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MANILA, Philippines — Dalawang drug pusher ang nasawi sa magkahiwalay na drug buy bust operation sa Tondo, Maynila at Davao City.
Sa Maynila, kinilala ang nasawi na si Kenneth Taysun, 33, ng Sto. Tomas St. , Sampaloc, Maynila.
Dakong alas-11:18 ng gabi ay nagawang makabili ang poseur buyer na si PO2 Rommel Pantig ng P300 shabu sa suspek na nakahalata na may papalapit na mga pulis ay agad na pinaputukan si PO2 Pantig na nakaiwas sa putok.
Hinabol ang suspek ng isa pang pulis at pinaputukan ito at tinamaan sa dibdib na agad nitong ikinasawi.
Narekober sa suspek ang isang kalibre 38 baril na may 4 na bala at 15 sachets ng shabu.
Sa Mango Avenue, Barangay Daliao, Toril, Davao City ay napatay ang drug suspek na si Larry Jagonos, 38, ng Barangay 76-A, nang ito ay manlaban matapos na ito ay aarestuhin sa isang buy bust operation dakong alas-11:15 ng gabi.