Kaharudin Tiban
  • Sex: Male
  • Age: 49
Incident Details
  • Date of Incident: January 1, 2018
  • City of Incident: General Santos City
  • Province of Incident: South Cotabato
  • Killed by unknown assailants at home
Source(s)

GENERAL SANTOS CITY – Nagluluksa ang isang pamilya sa Barangay Fatima nitong lungsod, matapos binaril-patay ang isang drug surrenderee ilang oras bago pa man nagpalit ng taon kagabi.

Kinilala ang biktima na si Kaharudin Tiban Alyas Toks, 49-anyos, residente ng Blk. 5 Prk. 11-C sa nasabing barangay.

Binaril ito ng riding-in-tandem habang naghahapunan ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bigla na lamang umanong pumasok ang gunman at binaril ang biktima, saka mabilis na tumakas sakay ng getaway motorcycle na minamaneho ng isa pang suspek.

Dalawang putok ang narinig na inakala ng kanyang mga kapitbahay na galing lamang sa paputok.

Hindi umano nakilala ang gunman dahil nakasuot ito ng helmet at jacket.

Ayon sa mga otoridad, maraming anggulo ang tinitingnan at isa rito ay kaugnay sa iligal na droga.