Julius Navarro
  • Sex: Male
Incident Details
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation
Source(s)

Nabaril at napatay ang suspek na kinilalang si Julius Navarro (taga- Meycauyan) sa operasyon sa Barangay Bambang sa bayan ng Bulakan.

Ayon kay Police Senior Master Sergeant Cesar Garcia, investigator on case ng Bulakan Police Station, nasa drugs watch list si Navarro.

May natanggap umanong impormasyon ang mga pulis tungkol sa pagtutulak ng suspek at nagsagawa sila ng surveillance at nagkasa ng buy-bust operation laban kay Navarro.

Nang malaman ng suspect na pulis pala ang kanyang katransaksyon, bumunot umano ito ng baril at agad na pinaputukan ang mga pulis na nagpanggap na buyer.

Dito na sila gumanti ng putok na ikinamatay ng suspect.