Jule Muhamad Minalang
  • Sex: Male
  • Age: 48
Incident Details
  • Date of Incident: January 16, 2018
  • City of Incident: Davao City
  • Province of Incident: Davao del Sur
  • Killed in police operation in public
Source(s)

DAVAO CITY – Patay ang isang 48-anyos na lalaki matapos na manlaban sa isinagawang buy bust operation ng awtoridad, Martes ng madaling araw sa Barangay Sasa.

Nakilala ang suspek na si Jule Muhamad Minalang.

Ayon kay Chief Inspector Emerson Pugong, unang nagpaputok ang suspek at dumepensa na lang umano ang mga pulis

Sinubukan pang dalhin sa Southern Philippines Medical Center si Minalang, pero dineklara na itong dead on arrival.

Nakuha ng awtoridad ang isang .38 revolver na ginamit umano ng suspek, 3 bala at isang empty shell. Kasamang nakumpiska mula sa suspek ang pinaghihinalaang shabu at P500 na buy bust money.

Naging agresibo na ang kapulisan sa kampanya kontra droga simula noong Biyernes.

Si Minalang na ang pangalawang napatay ng awtoridad sa isinagawang drug operation sa Davao City ngayong taon.