Judie dela Cerna
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: July 29, 2018
  • City of Incident: Davao City
  • Province of Incident: Davao del Sur
  • Killed in police operation
Source(s)

DAVAO CITY – Patay ang isang hinihinalang magnanakaw matapos umanong manlaban sa mga aarestong pulis sa Sta. Ana.
Rumesponde ang pulisya sa siyudad sa impormasyon ng isa umano sa mga nabiktima ng suspek na si Judie dela Cerna.
Natunton ang hinihinalang magnanakaw sa Brgy. 22-C sa may Bakalan Boulevard.
Kukumprontahin sana ito ng mga operatiba nang magpaputok ng baril ang suspek, dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis.
Narekober mula kay dela Cerna ang bag ng biktima pati na ang mga personal nitong gamit, at isang kalibre .38 revolver.
Nakunan din umano ito ng 3 sachet ng hinihinalang shabu.
Nadala pa si dela Cerna sa ospital pero idineklarang dead on arrival.