Juanito Calagod
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: February 21, 2018
  • Time of Incident: 12:30 pm
  • City of Incident: Malolos City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

BULACAN , Philippines — Limang hinihinalang notoryus na “tulak” kabilang ang isang aktibong kagawad ng barangay ang napatay habang 13 pang katao ang na­aresto matapos ang isina­gawang panibagong “One Time Big Time” drug operations ng Bulacan Police sa pakiki­pagkoordinasyon sa Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region-3 sa iba’t ibang bayan sa lalawigan kamakalawa hanggang kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Henry Biñas alyas “Kosa”, kagawad ng Brgy. Sto. Niño, Malolos City; Juanito “Kalbo” Calagod alyas “Kalbo” ng Brgy. Dulong Bayan, San Jose Del Monte City; isang John Erick Miranda alyas Barik ng Brgy. Tabang Guiguinto, isang alyas Obet ng Brgy. Pasong Intsik, San Rafael, at isang alyas Obet Hernandez ng Brgy. Cuot-Cot, Pulilan.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos City Police, dakong alas-12:30 nang mapatay sa engkuwentro si Calagod nang manlaban habang isinisilbi ng mga pulis ang “warrant of arrest” na inisyu ni Judge Teodora Gonzales ng RTC Br.14 sa kasong frustrated homicide sa kahabaan ng Mabolo-Sto. Cristo Diversion Road sa Malolos City.

Napatay din ang apat pang suspek matapos na kumasa habang isinasagawa ang buy bust operation ng mga tauhan nina P/Supt. Laurente Acquiot ng San Rafael Police at P/Supt. Orlando Castil Jr. ng Guiguinto Police.

Nakuha mula sa bangkay ng mga suspek ang da­la­wang cal. 38 revolver at isang pistolized cal. 38 revolver, ilang gramo ng shabu.

Naaresto naman sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ang mga suspek na sina Verna Obi­n­­guar, 26, ng Brgy. Tarcan, Baliwag; Daniel Montales, 18, ng Brgy. Sto. Niño, Plaridel; Aljon Roncales, 25, ng Brgy. Kapitolyo, Malolos City; Greishemer Anxie Penaflor, 21, ng Brgy.Tabang, Plaridel; Mark Anthony Ramos ng Brgy. Poblacion, Baliwag; Georginie Cañeso, 42, ng Brgy. Abangan Norte, Marilao; Nelson Cao, 35, ng Brgy. Sumandig, San Ildefonso, Norman Sablay, 36, ng Brgy. Balubad, Bulakan; Edmon Montoya 30; Narciso Estrella, 40; kapwa ng Brgy.Poblacion, Baliwag; Joel Padilla, 39; Rodelio De Ato, 49, kapwa ng Brgy. Loma De Gato, Marilao; Armold Lansang, 40 at kakambal nitong si Luisito Lansang, 40; kapwa ng Brgy.Santa Cruz IV sa San Jose Del Monte City.

Nakumpiska sa mga nadakip ang tinatayang P.3-milyong halaga ng shabu, drug paraphernalias, tatlong .38 revolver, isang .380 revolver, isang .357 magnum, mga bala, isang motorsiklo at P7,000 marked money. Joy Cantos