Joseph Querejero Villamin
  • Sex: Male
  • Age: 36
Incident Details
  • Date of Incident: October 22, 2018
  • Time of Incident: 8:10 pm
  • City of Incident: Lucena City
  • Province of Incident: Quezon
  • Killed in police operation in public
Source(s)

TATLONG hinihinalang drug pusher ng nasawi matapos manlaban sa mga pulis sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Lucena City at San Pedro City, Laguna kamakalawa at kahapon nang madaling-araw.

Batay sa report ng Calabarzon police, agad nasawi si Joseph Querejero Villamin, 36-anyos, matapos na makipagbarilan sa mga aarestong pulis nang matunugan nito na mga operatiba ang kanyang katransaksyon sa buy-bust sa Brgy. Boco­han, Lucena City dakong alas-nuwebe nang gabi.

Narekober dito ang isang kalibre .38 baril at tatlong sachet ng shabu.

Sa San Pedro City, kapwa nasawi sina Joseph Santos at Ronald Gonzales, matapos gumanti ng putok ang mga pulis na unang pinaputukan ng da­lawa sa Landayan Access road sa Brgy. Landayan dakong ala-una nang madaling-araw.

Narekober naman sa mga ito ang dalawang kalibre .45 baril at dalawang sachet ng shabu.

Matagal ng tinutugaygayan ng mga pulis ang dalawa makaraang ireklamo ng mga residente dahil sa pagiging sangkot sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa San Pedro City at Biñan City sa Laguna.