Joseph Paul Jimena
  • Sex: Male
  • Age: 33
Incident Details
  • Date of Incident: November 1, 2018
  • Time of Incident: 1:30 am
  • City of Incident: Meycauayan City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation
Source(s)

Isang 33-anyos na lalaki ang napatay nang manlaban umano sa mga awtoridad habang isa pa ang nadakip sa buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Bulacan noong Nobyembre 1.
Sinabi ni Bulacan police provincial director Supt. Chito Bersaluna na namatay ang suspek na si Joseph Paul Jimena alyas Empoy, ng No. 30 Dinar St., Saint Michael Subdivision, Brgy. Pandayan, Meycaua¬yan City dahil sa tinamong mga tama ng bala sa kanyang katawan.
Bandang ala-1:30 nang madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa Brgy. Pandayan pero nakatunog umano si Jimena pagkatapos ng transaksiyon kaya bumunot ito ng baril at nagpapu¬tok. Napatay ito makaraan ang sandaling engkuwentro.
Nakuha kay Jimena ang isang kalibre .38 na kargado pa ng dalawang bala, apat na pakete ng shabu na may street value na P17,000 cellphone, bull cap at buy-bust money.
Kumagat umano ito sa inilatag nilang operasyon noong Undas matapos ang halos ilang linggong pagmamatyag.