Joseph Briones
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: September 17, 2018
  • City of Incident: Santo Domingo
  • Province of Incident: Albay
  • Killed in police operation
Source(s)

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Bulagta ang dalawang umano’y notoryus na tulak ng shabu matapos makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang buy-bust operation laban sa kanila sa Purok 1, Brgy. Lidong, Sto.Domingo, ng lalawigan noong Lunes ng gabi.
Dead-on-the-spot ang mga suspek na kinilala ang isa na si Joseph Briones,nasa drug watchlist ng Legazpi Police ng Brgy. San Roque, ng lungsod na ito habang patuloy na kinikilala ang isa pang suspek.
Sa ulat ni Sr. Insp. Mayvelle Gonzales, tagapagsalita ng Albay Police, dakong alas-11:30 ng gabi, magkakasamang inilatag ng Sto. Domingo Police, Legazpi Police, Albay Police at Regional Intelligence Division 5 ang buy-bust operation laban sa mga suspek.
Matapos magkaabutan ng droga, nakahalata si Briones na pulis ang kanyang katransaksyon kaya bumunot ng baril at pinutukan ang posuer buyer pero ginantihan siya ng mga operatiba. Nang makitang binaril ang kasama, lumabas naman sa kotseng minamaneho ang isa pang suspek na armado ng baril kaya pati siya ay binaril na rin ng mga pulis.
Nakuha sa mga suspek ang limang sachet ng pinatu¬yong dahon ng marijuana, dalawang sachet ng shabu at dalawang kalibre .45 baril. (Joy Cantos)