Joseph Basino
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: January 14, 2018
  • City of Incident: Polomolok
  • Province of Incident: South Cotabato
  • Killed in police operation
Source(s)

Patay ang isang notoryos na drug pusher matapos makipagbarilan sa mga pulis sa isinagawang drug buy-bust operation sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Joseph Basino, alyas Katoy na residente ng PMCO Village, Barangay Magsaysay sa nabanggit na bayan.

Lumabas sa imbestigasyon na biglang tumakbo ang suspek matapos itong nilapitan ng isang pulis na nagpanggap na buyer.

Habang tumatakbo, binaril umano ni Basino ang pulis na humahabol sa kanya ngunit hindi tinamaan.

Dito na gumanti ng putok ang pulis at iba pang miyembro ng buy-bust team at tinamaan ang suspek.

Isinugod pa sa ospital ang suspek ngunit idineklara nang dead on arrival.

Nakuha sa kanya ang isang kalibre 357 na may dalawang bala, dalawang sachet ng shabu at ibat-ibang paraphernalia.

Napag-alaman na may pending case ang suspek na murder at sangkot din umano sa kasong ng nakawan sa bayan.