Jordan Pastrana Bernal Jr
  • Sex: Male
  • Age: 18
  • Occupation: jobless
Incident Details
  • Date of Incident: October 7, 2018
  • City of Incident: Cavite City
  • Province of Incident: Cavite
  • Killed in police operation in public
Source(s)

CAVITE , Philippines — Isang 18-anyos na ‘tulak’ ng droga ang bumulagta matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. 48-A, lungsod ng Cavite, kamakalawa ng hapon. Ang tumimbuwang na suspek ay kinilalang si Jordan Bernal Jr., 36, residente ng naturang lungsod. Dakong alas-2:30, habang nagpapalitan ng droga at buy-bust money ang suspek at posur buyer na pulis ay nakahalata ito na pulis ang ka-deal kaya’t mabilis na tumakas kung saan nagkahabulan pa hanggang sa makorner sa isang lugar sa sementeryo.
Ngunit imbes na sumuko ay nakipagbarilan ang suspek na agad namang ginantihan ng pulis hanggang sa mapuruhan at duguang bumulagta. Narekober sa suspek ang isang kalibre .45 baril, isang pouch na naglalaman ng 2 sachet ng shabu at P300 marked money.