Jonathan Belwa Macalawan
  • Sex: Male
  • Age: 36
Incident Details
  • Date of Incident: November 16, 2018
  • City of Incident: Cotabato City
  • Province of Incident: Maguindanao
  • Killed in police operation at home
Source(s)

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang drug suspect sa inilunsad na anti-drug operation ng mga otoridad sa lungsod ng Cotabato.
Nakilala ang binawian ng buhay na si Jonathan Belwa Macalawan alyas Ingkit ,may asawa at residente ng Purok Inon, Zenaida Subdivision, Brgy Rosary Hieghts 8 Cotabatao City.
Ayon kay Cotabato City Police Director S/Supt Rolly Octavio na nagsagawa sila ng buybust operation malapit sa tahanan ng suspek.
Natunugan ni Macalawan ng mga pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya agad itong bumunot ng baril at nagpaputok.
Gumanti ng putok ang mga otoridad at nasawi si Macalawan nang magtamo ito ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.
Nakuha ng mga pulis sa posisyon ni Macalawan ang kanyang baril,limang malalaking pakete ng shabu,mark money at mga drug paraphernalia.