Jomarie Abayon
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: September 29, 2018
  • City of Incident: Tagum City
  • Province of Incident: Davao del Norte
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Patay ang isang lalaki matapos umanong manlaban sa mga awtoridad nang inihain ang warrant of arrest laban sa kaniya sa Tagum City, Davao del Norte nitong Linggo ng gabi.

Base sa imbestigasyon, nagtangkang bumunot ng baril si Jomarie Abayon pero naunahan umano siya ng mga pulis sa pagpaputok ng baril.

Inihain ang warrant of arrest dahil sa kasong murder at frustrated homicide na kinasangkutan ni Abayon. Naiugnay din siya sa kalakalan ng pagbebenta ng ipinagbabawal na droga.

“Dili pa nato maingon nga high value target no ni siya pero kung makita nato ang mga kaso aning abayon daghan kayog kaso.. Dili ni siya basta basta nga tao” ani Senior Supt. Allan Manibog, provincial director ng Davao del Norte Police.

(Hindi pa nating masasabi na kabilang siya sa high-value target pero kung makikita napakarami niyang kaso na masasabing kakaiba siya na tao.)

Samantala, nahuli naman ang kasama nitong si Alden Destejo matapos makuhanan ng mga pakete ng shabu at isang hand grenade.

Ayon kay Supt. Julius Borja, hepe ng Tagum City Police, walang permanenteng trabaho ang dalawa at madalas magkasama sa kanilang mga operasyon.

Haharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Destejo.