Jomar dela Cruz
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 8, 2018
  • Time of Incident: 9:40 pm
  • City of Incident: Cabanatuan City
  • Province of Incident: Nueva Ecija
  • Killed in police operation in public
Source(s)

APAT na hinihinalang drug personality mula sa Cabanatuan City ang tumimbuwang sa magkakasunod na anti-illegal drugs operation ng Nueva Ecija police nitong nakaraang dalawang araw.

Sa ulat na nakara­ting sa tanggapan ni P/Sr. Supt. Leon Victor Rosete, acting Nueva Ecija police director, nakilala ang mga napaslang na sina Jomar dela Cruz, ng Brgy. Dimasalang; Crizen Madrid, ng Purok Matatag, Brgy. Barrera; Pedro Seratorre, 50-anyos, biyudo, ng Brgy. Valle Cruz; at si Ivan Villanueva, ng Brgy. Dicarma, pawang sa Cabanatuan City.

Related Posts
Trump nag-walkout sa Democrat meeting

Jan 11, 2019
Duterte medical bulletin tinabla ng Palasyo

Jan 11, 2019
Honasan itatapon sa ibang government post?

Jan 11, 2019

Ayon kay P/Supt. Ponciano Zafra, acting chief of police ng Cabanatuan, naka-engkuwentro nina P/Sr. Ins­pector Ronan James Eblahan si Dela Cruz sa Purok 2, Brgy. Sta. Arcadia, dakong alas-9:40 ng gabi nitong Sabado.

Sa bayan ng Talavera ay nakasagupa naman nina P/Supt. Joe Neil Rojo si Seratorre at sa Brgy. ­Rajal Norte, Santa Rosa naman nadale si Villanueva nina P/Chief Inspector Herbert Ocumen.

Pawang nakunan umano ng mga caliber 38 revolver, marked money at sachet ng shabu ang mga napatay sa buy-bust operations.