Joel Galicha

- Sex: Male
Incident Details
- Killed in police operation
- Date of Incident: September 27, 2018
- Location of Incident: Nasugbu, Batangas
Source(s)
BATANGAS — Nasawi ang dalawang suspek na mga hinihinalang nagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamot sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad ng Batangas laban sa iligal na droga matapos kapwa umano nanlaban nu’ng Huwebes ng gabi (Sept. 27).
Ayon sa report na ipinadala ni Police Chief Insp. Ronald P. Cayago, hepe ng Nasugbu Munipal Police Station sa Batangas Police Provincial Office napatay ng kanyang mga tauhan ang suspek na si Joel Galicha @ Anah, na isang drug personality sa nasabing bayan at residente sa Roxas Village, Barangay Lumbangan ng Nasugbu dakong alas-8:10 ng gabi
Nakabili umano ng halagang P500 ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer subalit nakaramdam umano ang suspek na pulis ang kanyang ka-transaksyon kaya agad na bumunot ng baril at ipinutok sa mga otoridad kaya napilitang gumanti ang mga pulis at napatay ang suspek.
Nasamsam sa posisyon ng suspek 1unit ng Shooter cal. 38 revolver na baril na may laman na (3) basyo ng bala, P500 bill na ginamit na buy bust money, coin purse na may laman na 3 plastic sachet ng mga hinihinalang shabu.
Sumunod namang napaslang sa engkwentro ang suspek na si alyas Lock o Steve ng mga operatiba ng Padre Garcia Municipal Police Station dakong 9:45 ng gabi.
Nakabili umano ng halagang P1,000 na halaga ng iligal na droga ang isang under cover agent sa suspek subalit natunugan umano ito na pulis ang kanyang kausap kaya agad umanong kinuha ang dalang baril na bitbit at ipinutok sa pulis na masuwerteng hindi tinamaan kaya napilitan paputokan ng pulis ang suspek na nasugatan sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.
Naisugod pa sa Rosales General Hospital ang suspek subalit idineklarang dead on arrival ng rumespondeng doktor na si Dr. Peter Chua.
Narekober malapit sa suspek ang 4 pirasong heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, cal. 357 revolver na may laman 5 ng bala, motorsiklo na walang plaka, cell phone, wallet na may lamang 4 na bala, wrist watch, P1,000 bill na ginamit na marked money at P700 cash na pera ng suspek. ( RONDA Balita Online News)