Joel Cabangbang
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: July 25, 2018
  • City of Incident: Cabanatuan City
  • Province of Incident: Nueva Ecija
  • Killed in police operation
Source(s)

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Bumulagta noon din ang isang sinasabing kilabot na tulak ng droga matapos siyang manlaban sa mga otoridad sa ikinasang buy-bust ¬operation laban sa kanya naganap sa Brgy. Zulueta ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang suspek na kabilang sa watch list na kinilalang si Joel Cabangbang, alyas ‘Aso’, nasa hustong gulang, at residente ng Brgy. San Josef Sur. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban sa suspek.
Habang nakikipagtransaksyon ang pulis na nagpanggap na buyer sa suspek nang makatunog ito na isang pulis ang kanyang ka-deal. Agad itong bumunot ng baril at pinutukan ang pulis ngunit naging maagap ito na agad na gumanti ng putok dahilan upang mapatay ang suspek.