Joel Babon
  • Sex: Male
  • Age: 39
Incident Details
  • Date of Incident: September 6, 2018
  • Time of Incident: 4:10 am
  • City of Incident: Porac
  • Province of Incident: Pampanga
  • Killed in police operation in public
Source(s)

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga , Philippines — Isa na namang hinihinalang drug peddler ang napatay matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng Porac Police na nagsagawa ng anti-drug operation sa Brgy. Mancatian, bayan ng Porac, sa lalawigang ito, Huwebes ng madaling-araw.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni P/Supt. Crisente Tiguelo, hepe ng Porac Police, nakilala ang napatay na suspek na si Joel Babon, 39, residente sa nasabing bayan.
Nabatid na dakong alas-4:10 ng madaling-araw nang isa¬gawa ang drug buy-bust operation laban kay Babon sa Megadike Road, Brgy. Mancatian at isang poseur buyer ang bumili sa kanya ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500. Nang magkaabutan ng droga at marked money, nakahalata umano ang suspek hanggang sa paputukan ang pulis na nagsilbing buyer at isang confidential informant subalit nagmintis ito. Mabilis na nagtatakbo ang suspek sa madamong bahagi ng lugar subalit nakipagputukan ang mga operatiba ng Porac hanggang sa masukol ang suspek at mabaril sa katawan.
Agad na isinugod ng nagrespondeng Porac Medical QRT ang suspek sa Josen Songco District Hospital sa Brgy. Babo Sacan, Porac subalit idineklarang patay.