Jinkylito Consigo Ortojan
  • Sex: Male
  • Age: 51
Incident Details
  • Killed by unknown assailants in public
  • Date of Incident: November 10, 2018
  • Time of Incident: 8:45 pm
  • Location of Incident: General Luna, Surigao del Norte
Source(s)

BUTUAN CITY – Iniimbestigahan na ng pulisya sa General Luna, Surigao del Norte, ang pagbaril-patay sa dating barangay kapitan na nailistang high value target.

Kinumpirma ni Pol. C/Insp. Joel Leong, hepe ng General Luna Municipal Police Station, naganap ang pamamaril alas-8:45 kagabi malapit sa bahay ng biktimang si dating Barangay Tawin-tawin Kapitan Jinkylito Consigo Ortojan, 51-anyos.

READ: Panibagong batch ng undocumented OFWs sa UAE, dumating na ng Phl
Base sa imbestigasyon, nagpunta lamang sa kapitbahay ang biktima at sa kaniyang pagtawid sa daan nang ito ay pauwi na, mga 20 metro ang layo sa kaniyang bahay, biglang dumating ang mga suspek na lulan ng single motor at binaril ito ng maraming beses.

Apat na tama sa katawan ang natamo ng biktima na nadala pa sa Siargao District Hospital ngunit dineklarang dead on arrival ng attending physician.

Narekober ang mga basyo ng .45 na pistola na siyang ginamit ng mga responsable.

Ayon kay Leong, sumuko na noong Hunyo 2018 sa kanilang Oplan Tokhang ang biktima.

Kasama sa kanilang aalamin ang motibo ng mga suspek sa krimen.