Jimmy Liban
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: February 26, 2018
  • City of Incident: Manila
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng dalawang salarin sa Paco, Maynila Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Liban, 40-anyos.

Kuwento ng testigo, sa pinapasadang tricycle binaril ang biktima ng mga lalaking nakasakay ng 2 motorsiklo.

“Nakarinig ako ng 5 putok. Kaagad na tumakas ang mga bumaril pagkatapos,” aniya.

Pamamasada ng tricycle ang ikinabubuhay ni Liban pero aminado ang kaniyang mga kaanak na gumagamit ito ng droga.

Mas lumala pa raw ang kaniyang paggamit ng droga simula nang makalaya sa kulungan noong 2015 dahil sa kasong robbery.

“Sabi naming tumigil na siya, eh hindi eh. Kaya inaasahan namin na darating ang araw na ito,” pahayag ng kapatid ni Liban.