Jhosyl Clemente
  • Sex: Male
  • Age: 23
Incident Details
  • Date of Incident: October 19, 2018
  • City of Incident: Mabalacat City
  • Province of Incident: Pampanga
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Patay ang dalawang lalaki matapos umanong makipagbarilan sa mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga nitong Biyernes.

Kinilala ang mga nasawi sina alyas Jocel na siyang target ng operasyon at ang kasamang si Bryan John Yumul.

Kasama sa listahan ng mga drug personality ng Mabalacat City si alyas Jocel.

Ayon sa pulisya, matapos ang bentahan, natunugan ng dalawa na pulis ang mga katransaksyon nila.

“They have been under surveillance for how many weeks na rin, fortunately nasundan narin ng mga tropa natin, kaya lang nung na-sense nila pulis na pala ang katransact nila…ayun at nagdraw na sila ng firearm nagkaroon ng konting putukan,” ani Supt. Maharlika Oscar Villasis, hepe ng Mabalacat City Police.

Nakuha sa crime scene ang dalawang kalibre 38 na baril, mga basyo ng bala, weighing scale, at iba pang drug paraphernalia.

“Malaki mga parokyano nito, yung mga nag-good time dun sa Angeles at dito sa atin sa area natin sa Mabiga,” ani Villasis.