Jhon Rey Escobar Mopito
  • Sex: Male
  • Age: 40
Incident Details
  • Killed in police operation in public
  • Date of Incident: November 2, 2018
  • Location of Incident: Tagum City, Davao del Norte
Source(s)

DAVAO CITY – Nahuli ng mga otoridad ang tatlong drug personalities samantalang isa ang napatay sa isinagawang checkpoint operation sa Prk 3, Durian Ave, Brgy. Madaum, Tagum City.

Nakuha pa umano sa posisyon ng mga suspek ang armas at mga drug paraphernalia.

Ayon pa kay Chief Inspector Leah Cassandra Mabanat, public information officer ng Davao del Norte Provincial Police Office, nakilala ang mga suspek na sina Lanard Locañas Vitor, 37, may asawa, residente sa Prk Malipayon, Brgy. Sta Cruz, Talicod Island; Winston Romero Tadle, 27, residente ng Prk Makugihon, Mipotak, Dipolog City, at Jairajh Gementiza Muring, binata, 33, residente ng Prk 3, Brgy. Apokon, Tagum City at ang napatay na si Jhon Rey Escobar Mopito, 40, residente ng Prk 1 B Bacuring, Madaum, Tagum City.

READ: ‘Egypt cat mummies, nadiskubre sa ancient tomb’
Ayon kay Manabat, una nang hinuli ang mga suspek matapos lumabag umano sa traffic laws ngunit nang isinagawa ang inspeksiyon, nakuha sa kanilang posisyon ang mga pakete ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P20,000 pati na ang mga drug paraphernalia.

Samantalang nanlaban umano si Jhon Rey Mopito sa mga otoridad dahilan kaya nabaril ito.

READ: Suspeks na mag-asawang Koreano sa food poisoning ng 40 mga bata, ‘di pa rin mahanap
Isinugod pa sa ospital ang suspek sa Davao Regional Medical Center ngunit dineklara itong dead on arrival ni Dr. Erwin A Corinales.

Narekober naman ng mga kapulisan sa crime scene ang homemade .45 pistol na may isang magazine, at limang bala, kutsilyo, shabu paraphernalia at apat na motorsiklo.

Ang mga nahuling suspeks ay nakakulong na ngayon police station sa Tagum habang ang mga nakuhang ebidensiya ay isasailalim sa eksaminasyon.

Napag-alaman kay C/Insp. Manabat na mga newly identified ang mga nahuling suspek at wala umano sa kanilang drug watchlists.