Jesson Odal/Jayson Udal
  • Sex: Male
  • Age: 32
Incident Details
  • Date of Incident: December 8, 2018
  • City of Incident: San Jose del Monte City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation at home
Source(s)

Isang lalaking hinihinalang tulak ng shabu ang namatay matapos umanong manlaban sa mga pulis sa isang buy-bust operation sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Jesson Odal, 32 taong gulang, ayon sa ulat sa News TV Live ng GMA News TV nitong Linggo.

Ayon sa pulisya, nakabili ng P500 na halaga ng shabu ang kanilang operatiba mula sa suspek.

Nang makatunog ang suspek na pulis ang kanyang katransaksiyon, tumakbo umano ito papunta sa isang bahay, kumuha ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Narekober sa tabi ng bangkay ng suspek ang isang kalibre .38 na baril.

Ayon sa San Jose Del Monte Police, si Odal umano ang source ng ilegal na droga sa kanilang lugar at sa mga kalapit na barangay.

Sumuko raw noon ang suspek sa Oplan Tokhang pero tumigil daw ito sa pagsipot sa mga programa ng barangay para sa mga nag-surrender.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga kamag-anak ng suspek. —KG, GMA News