Jerome Dacanay
  • Sex: Male
  • Age: 22
  • Occupation: pedicab driver
Incident Details
  • Date of Incident: February 9, 2018
  • Time of Incident: 9:00 am
  • City of Incident: Calumpit
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Habang papunta sa piskalya
BULACAN, Philippines — Nasawi ang lalaking una nang naaresto dahil sa kasong may kinalaman sa illegal drugs matapos na sunggaban nito ang baril ng pulis na kanyang escort saka tinangkang tumakas habang papunta sa Prosecutor’s Office upang ihain ang habla habang nakahimpil sa isang lugar sa Brgy. Calumpang sa bayan ng Calumpit, Biyernes ng umaga.

Naisugod pa sa Calumpit District Hospital subalit nasawi din habang ginagamot ang suspek na si Jerome Dacanay, 22,pedicab driver ng Brgy. Calumpang sa naturang bayan.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Rey Perico, dakong alas-9:00 ng umaga ay dinala nina SPO1 Edmund Depositar at PO1 John Aaron Pelayo ang biktima patungo sa piskalya na nasa Malolos City upang isampa ang kaso na may kinalaman sa ilegal na shabu at habang tinatahak ang kalsada ay nakiusap na dumaan sa kanilang bahay sa Brgy. Calumpang upang sunduin at isama ang kanyang pamilya na pinagbigyan naman ng dalawang police escorts.

Pagdating sa itinurong lugar, dito na pansamantalang huminto at habang hinihintay ang pamilya ay muling nakiusap ang suspek na ilagay sa harapan ang posas dahil sa nararamdamang sakit dulot ng bakal na pinagbigyang muli at habang kinakalas ay dito na big­lang sinunggaban ng suspek ang service firearm na Glock 9mm saka nagpambuno ang dalawa nang biglang pumutok ang baril saka sinubukang tumakas ng suspek.

Kaagad ding hinabol ni PO1 Pelayo ang suspek at nang abutan ay dito nakita ang duguang bahagi ng katawan kaya agad siyang isinugod sa ospital sa tulong ng Rescue 1024 ng naturang bayan subalit nasawi din kinalaunan