Jerandie Ariego
  • Sex: Male
  • Age: 31
Incident Details
  • Date of Incident: November 18, 2018
  • City of Incident: Davao City
  • Province of Incident: Davao del Sur
  • Killed in police operation
Source(s)

DAVAO CITY – Pinatay ng mga pulis ang isang ex-convict na nanlaban umano sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Lapu-Lapu sa distrikto ng Agdao.
Huhulihin sana ng mga operatiba si Jerandie Ariego nang bigla itong bumunot ng baril, ayon sa mga awtoridad. Hindi pumutok ang baril ng suspek pero naunahan na siya ng putok ng mga pulis.
Agad dinala sa Southern Philippines Medical Center ang suspek pero idineklara itong dead on arrival. Nakuha mula sa kanya ang 10 sachet ng hinihinalang shabu.
Narekober naman sa crime scene ang kalibre .22 na ginamit umano ni Ariego nang manlaban siya sa mga operatiba.
Batay sa record ng pulisya, dati nang nakulong si Ariega dahil sa ilang kaso pagnanakaw at ilegal na droga. Kalalabas lang umano nito ng selda nitong Disyembre 2017.