Jeff Alcira
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 18, 2018
  • City of Incident: Calamba City
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Patay ang most wanted na holdaper umano sa Sta. Rosa, Laguna na ang karaniwang target ay mga negosyanteng Indian national o Bumbay.

Sa ulat ni John Consulta sa “GMA 24 Oras” nitong Martes, napatay ng mga pulis sa operasyon ang suspek na si Norberto Barredo alyas Salvador Barredo na siyang itinuturong lider ng isang gun for hire at robbery holdup group.

“May dalang baril tapos may kutsilyo din. Tapos sinisira pa ‘yung gulong ng mga motor ng mga Bumbay, ng mga Indian para hindi sila makahabol. Kinukuha lahat ng pera,” kwento ng isang Bumbay na nabiktima.

Ayon sa pulisya, hindi lamang sa Laguna kundi maging sa ibang karatig-probinsya tulad ng Cavite at Batangas laganap ang operasyon ng grupo ni Barredo.

Samantala, dalawang holdaper din ang patay sa Calamba, Laguna matapos maka-engkwentro ng mga pulis.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang mga suspek na sina Efren Cassipit at Jeff Alcira.

Nakuha sa kanila ang cellphone, pera at iba pang gamit na ninakaw nila sa hinoldap na biktimang nag-aabang lang umano ng masasakyang bus.

Ilang sachet rin ng hinihinalang shabu ang nakuha sa bulsa ng mga suspek. —Dona Magsino/ LDF, GMA News