Jayson Samonte
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 20, 2018
  • City of Incident: Meycauayan City
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation
Source(s)

Manila, Philippines – Patay ang dalawang tulak umano ng iligal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation, kagabi sa Bulacan.
Sa ikinasang buy-busy operation sa Barangay San Rafael IV CSJDM, Bulacan, nasawi nang manlaban ang suspek na kinilalang si Jovan Magtanong y Velasquez alyas Jovan.
Nakatunog umano ang suspek na pulis ang katransksyon kaya’t agad itong nagtungo sa kaniyang tahanan at doon pinaulanan ng bala ang mga pulis.
Nauwi sa engkwentro ang operasyon na nagresulta ng pagkamatay ng suspek. Napag-alaman na si Velasquez ay Top 4 sa watchlist ng CSJDM.
Narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang Caliber 38 revolver na ginamit ng suspek.
Samantala, nasawi rin sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Bayugo, Meycauayan, Bulacan ang tulak na kinilalang si Jayson Samonte habang arestado naman ang dalawa nitong kasamahan.
Kinilala ang mga naarestong kasamahan ni Samonte na sina Zenaida Enemido y Orebado at Bernadita Olivares y Bruma.
Sa ulat, matapos makipagtransaksyon ng poseur buyer kay Samonte, nakatunog ito sa mga paparating na operatiba kaya’t agad itong nagpaputok. Napilitang gumanti ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang cal. 38 revolver at limang sachet ng hinihinalang shabu.
Napag-alaman na si Samonte ay nasa watchlist din ng mga awtoridad.