Jay Manalo
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: April 28, 2018
  • City of Incident: Biñan City
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed in police operation at home
Source(s)

MANILA – Patay ang dalawang lalaki matapos manlaban umano sa mga pulis sa buy-bust operation sa Brgy. Platero, Biñan, Laguna.

Ayon sa mga pulis nakahalata raw ang mga ito na alagad ng batas ang katransaksyon sa droga, pero iba ang salaysay ng pamilya sa nangyari.

Sa loob mismo ng inuupahang bahay napatay ang magtiyuhing Jerwin Bartolazo at Jay Manalo .

Ayon kay S/Supt. Kirby Kraft ng Laguna PNP, ginagawa umanong drug den ang nasabing bahay kung kaya nagkasa na ng buy-bust operation ang mga pulis.

“May mga kapitbahay kasi na nagrereklamo. Iba iba raw ang nagpupunta na mga tao dun para bumili,” sabi ni Kraft.

Pero iba ang kwento ng pamilya ng mga napatay. Wala umanong bentahan ng droga na nangyari.

MAP, CHARTS: The Death Toll of the War on Drugs
“Tinadyakan nila ang pinto saka pumasok. Pinalabas kami. Tapos after 15 minutes nagkaputukan. Wala namang baril ang mga yan,” ayon sa isang kaanak ng mga napatay.

Napag-alaman din na may mga dati ng kaso ang mga napatay. Si Bartolazo ay naaresto na dati sa kasong murder, habang si Manalo naman ay may kasong reckless imprudence resulting to physical injury.

Pero ayon sa kaanak ng mga napatay, dati nang naareglo ang kaso ng dalawa.

Nanindigan ang PNP na legal ang kanilang ginawang operasyon.

Plano naman ng pamilya na magsampa ng kaso laban sa mga pulis.

– ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News