Ian Jabana
  • Sex: Male
  • Age: 24
Incident Details
  • Date of Incident: July 10, 2018
  • City of Incident: Davao City
  • Province of Incident: Davao del Sur
  • Killed in police operation
Source(s)

DAVAO CITY – Patay ang isang 24-anyos na lalaki matapos manlaban sa otoridad sa isinagawang drug buy bust operation ng mga personahe ng Sta. Ana PNP.
Nakilala ang napatay na suspek na si Ian Jabana, binata, at residente ng Brgy. 22-C Boulevard sa Davao City.
Sa imbestigasyon ng otoridad, bumunot umano ang suspek ng kanyang .38 revolver ngunit naunahan ito ng mga pulis kayat nagtamo ito ng maraming tama sa kanyang katawan.
Isinugod pa sa ospital si Jabana ngunit nalagutan na ito ng hininga.
Narekober din sa posisyon ng suspek ang iba pang mga pekete ng iligal na droga.