Gerardo Alejo
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 12, 2018
  • City of Incident: Pulilan
  • Province of Incident: Bulacan
  • Killed in police operation in public
Source(s)

Bumalik sa kanyang dating gawi na pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ang isang lalaki kaya naman muli itong isinailalim sa buy bust operation ng mga pulis.

Ngunit imbes na sumuko ay nakipagbarilan pa ang suspek na si Gerardo Alejo kaya nauwi sa palitan ng putok ang operasyon na kanyang ikinasawi.

Ayon sa mga elemento ng Pulilan Municipal Police, dati nang sumuko sa kanila si Alejo ngunit ipinagpatuloy nito ang pagtutulak ng iligal na droga.

Nabatid na kabilang si Alejo sa binabantayang mga drug personality sa bayan ng Plaridel. Siya rin ang itinuturong nasa likod ng pagkalat ng shabu sa Plaridel at Pulilan.

Sa kalagitnaan ng operasyon sa Barangay Longos, nakatunog si Alejo na pulis pala ang kanyang katransaksyon kaya naman agad itong tumakas papalayo.

Kasabay nito ay bumunot ito ng baril at pinagbabaril ang mga pulis na gumanti ng putok.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang hindi pa batid na kalibre ng baril at mga bala.