Gerald Gumba
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: November 10, 2018
  • City of Incident: Gerona
  • Province of Incident: Tarlac
  • Killed in police operation
Source(s)

CAMP MACABULOS, Tarlac CityBumulagta ang umano’y dalawang drug pusher matapos na makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operations sa magkahiwalay na lugar ng Barangay Tagumbao at Caturay, Gerona, Tarlac, kamakalawa ng gabi.
Ang mga napatay ay nakilalang sina Mark Robianes, 24, ng nasabing bayan, na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan, nang paputukan umano nito ang mga pulis sa nagtangkang umaresto sa kanya sa Agno River, Bgy. Tagumbao, dakong 6:00 ng gabi.
Napatay naman si Gerald Gumba, nasa hustong gulang, ng Poblacion 4, Moncada ng nasabing lalawigan, barilin naman nito ang mga operatiba na bumibili sa kanya ng iligal na droga sa Bgy. Caturay ng nabanggit na bayan, dakong 11:00 ng gabi.
Narekober sa dalawa ang dalawang baril at hindi pa mabatid na dami ng shabu.