Gaudencio Rojo III
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: June 29, 2018
  • Time of Incident: 12:30 pm
  • City of Incident: San Pedro City
  • Province of Incident: Laguna
  • Killed in police operation in public
Source(s)

MANILA – Patay ang hinihinalang lider ng isang drug group matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa San Pedro, Laguna, Huwebes ng umaga.

Bibili sana ang mga operatiba ng droga mula sa suspek na si Gaudencio “Denden” Rojo III sa Barangay San Vicente, pero nakahalata itong pulis ang katransaksyon kaya nagpaputok ng baril, sabi ni Sr. Supt. Kirby Kraft, hepe ng Laguna police.

Idineklara aniyang dead on arrival sa ospital ang suspek na lider ng Rojo Drug Group.

May mga nakabinbing kaso ng robbery laban kay Rojo. Pangunahing suspek din siya sa pagpatay sa negosyanteng si Eric Bugarin noong 2013, sabi ng pulisya.

Nakuha anila sa suspek ang isang baril at 9 pakete ng droga.