Gary Lopez
  • Sex: Male
Incident Details
  • Date of Incident: December 31, 2017
  • City of Incident: Taguig City
  • Province of Incident: Metro Manila
  • Killed by unknown assailants in public
Source(s)

Dead on the spot ang isang lalaki, habang kasalukuyan pang nagpapagaling sa Taguig-Pateros District Hospital ang isa pang lalaki matapos mabiktima ng pamamaril sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue, sa Barangay Upper Bicutan, Taguig.

Kinilala ang namatay na biktima na si Gary Lopez, at ang sugatan ay si Reggie Sanchez.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig City Police na gumagamit ng iligal na droga si Lopez.
Sinasabing residente ng Makati City si Lopez at pumupunta pa sa Taguig para lang doon bumili ng shabu.

Kaya naman isa sa tinitingnang anggulo ng mga otoridad ang posibilidad na drug-related ang pamamaril.

Samantal, riding in tandem ang itinuturong salarin sa pamamaslang. Ngunit walang pagkakakilanlan ang mga ito at hindi rin naplakahan ang kanilang ginamit na motorsiklo.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pamamaril.